Ansama ng loob ko.
Mahilig akong maghintay. Minsan tuloy, sa kakahintay ko ng tamang panahon, may ibang nakakagawa ng dapat gagawin ko.
Pero kasi hindi naman din pwede na pa-bara-bara ako sa ginagawa ko. Syempre may tamang oras at lugar para sa lahat. Hindi ko rin naman masisisi ang ibang tao kung hindi naman talagang itinadhana para sa akin.
Natutuwa ako na may nagbigay sa iyo nun. SOBRA. Kasi matagal mo nang gusto ‘yun. Pero kasi gusto ko na manggaling sa akin. Yung magiging proud ka na meron ka na nun, tas sasabihin mo galing sa akin. Yung ngiti na nakita ko kanina, yun sana yung gusto kong makita kapag binigay ko na sayo yung regalo ko.
Pero hindi eh. At sa lahat pa ng tao, kay Marcus pa nanggaling. Tangina lang kasi. Siya na nga yung isa sa mga tinatakbuhan mo pag malungkot ka, dahil kahit kupal siya napapatawa ka naman niya. Sa Calculus, kahit anong husay ang ipakita ko, siya pa rin yung tatanungan mo. Okay lang, may dahilan ka naman. Tae kasi, pati ba naman dun sa regalong gusto mo, talo ako?
Hindi ko naman ‘to dapat iniisip, pero hindi ko mapigilan. Antagal ko nang pinagplanuhan kasi, tapos mauuwi lang pala sa wala. Nakakasama lang ng loob. Pero hindi mo kasalanan, hindi mo naman ginusto.
I just wish it would have come from me.